Let GOD.

Let GOD.

I was walking by a familiar place last Saturday. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ako ka-emotional habang naglalakad ako dun pero it felt really weird. Naiiyak talaga ko. Yung tipong gusting gusto ko na makarating sa pupuntahan ko para umupo, magdasal at iiyak kung ano man yung nararamdaman ko.

Napakagaling din naman talaga ng pagkakataon at saktong sakto din naman na nagtext yung taong naalala ko at dahilan kung bakit ako merong ala-ala sa lugar na yon. So lakad ng mabilis, dahil baka maiyak nalang ako sa daan at akalain ng mga tao nababaliw na ko.
Pero guess what? Habang papalapit na ko ng papalapit sa pupuntahan ko, may nangyari na nagpabaling ng atensyon ko sa ibang bagay. Hindi natuloy ang pag-iyak ko. Ang kulit lang. Narealize ko na sinasabi sakin ng Panginoon na “Anak, tama na. Hindi ko na kayang nakikita kang umiyak.” Hindi lang to pang-unang beses na narinig ko na sinabi sakin yan ng Diyos. Nung nagsimba ko sa Edsa Shrine last week, naiiyak din ako, hindi ko na maalala kung bakit. Habang Communion, habang kumakanta yung choir, may nararamdaman akong pawis sa mga mata ko, sabi ko sa sarili ko “Wait lang, mamaya ka na tuluyang tumulo, ang daming tao, mamaya na lang pagkatapos ng Mass.” Natapos ang Mass, walang hingahan , novena naman pagkatapos, mas dumami ang tao. Sabi sakin ng Panginoon “Tama na. Ako ng bahala sa lahat, Wag ka na umiyak”. Haaaaaaay sabay hingang malalim.

Kailangan ko na palang ilet-go lahat ng masasakit at mapapait na ala-ala. Hindi sapat na alam kong napatawad na ko ng taong nasaktan ko. Kailangan itaas ko na yun sa Diyos. Minsan kasi gusto ko pang tinotorture yung sarili ko, gumagawa lang ako ng dahilan para saktan sarili ko na pwede naming hindi na. Nasabihan na ko ng isang beses, gusto inuulit pa. Salamat sa Panginoon at hindi siya napapagod na paalalahanan ako at mahalin ako kahit napakahirap kong mahalin. You da best Lord! Labyu!

Advertisements

One thought on “Let GOD.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s